Feb 21, 2009

and...CAT

Last February 20, 2009 (Friday), it seemed a normal day to most Ateneans, but it was the Seniors CAdT Graduation! It's quite a thrill because out of all the 40-hrs of "chun"-ing,  push ups, squatthrusts, and "Ginoo, opo, ginoo", we finally try to get a break from this badass torture.

My day starts out fine. I went to school early with nothing much in mind(no HW).

ENGLISH
- The first Final Debate which in fact is a graded Long Test was very entertaining for viewing purposes. The motion: to allow free internet access nationwide in Phils.
Gov't: Miggy Cruz, Marvin Eguico, Paolo Tinio, at may isa pa :))
Oppst'n: Kevin Gamboa, Norman Barracoso, Joram Lijauco, Paoi Sevilla

BENTANESS: somehow goes like this.

Manasan:  If you are saying that internet should be free for everyone, how about the terrorist in in Mindanao? They can communicate easily and plan their attacks for free.

Eguico(bewildered) : (silence for 3secs) It is not a problem, because the routers will be installed later on the project. So the people in Mindanao will not have internet at once.

*WTF! =)

The Audience wins, c/o Manasan and Rodriguez


MATH
- Results are out!

- Long Test 46.5/50
Expected to get minus 2 only. 3rd in the class, and damn. Joram got a perfect score :)) He's like Jerome ... peeled. 

- Quiz 14/20
Felt depressed, i didn't expect to fail. I attended pa naman study hall the previous day, and while taking the test i experienced super mental block. cosx = sinx was like solving how the universe came to be. DEMN! And i thought Ma'am Sacluti said: "S-Study hall ka pa ah." I just sarcastically smiled.

RECESS
- i was suppose to remitt for the Fair Tix, but i felt depressed because during Math, the achievement test topics were given. and it was so much for me to handle. 1st term topics to Trig Equations = HELL.

- also, i was suppose to meet a friend. sob. these are the times wherein you wish your phone was a deluxe jackhammer when it vibrates. piff.

FILIPINO
- free time ata to :)) ay nag ka quiz kami tapos nag viewing.

P6
- WRITTEN LONG TEST = HEABENTA

ARTS
- free time ulit :))

LUNCH 
- Since, hindi natuloy yung interview namin ng author sa English Project. Balak namin ni Oba na i-email nalang yung mga tanong, para naman may pagkakataon na makagawa kami sa darating na mahabang bakasyon.

CAT
- Here it goes. 

Wilbur came to visit, apparently he had gone to the school on thursday, when most were gone. he just came back from the states, and is probably planning to study college here, in F_U. Well, it isn't final yet, but he says that he might be here to watch the iboys march on March. Everybody was happy to see him. 
" Virgin ka pa ba?"
" Ilan na?"
" May juts ka ba?"
those were the normal questions.

First Hour was intended for PRACTICE, i mean POLISHING, but our section never had the time for the Inter Flight Silent Drill and Dance Competition. We were thinking to forfeit, pero bawal eh. :)) Our steps were very vague and idiotic, pero sobrang benta nung ginawa namin :)) Si Nequinto nga pala C.O. namin. One word to describe him, KAWAWA. I don't know if he received push ups because of the chaos in his flight - 4i. back to topic, we were rushing to get the steps in order.

Our routine involved: Chun, Harap sa Kaliwa, the JC Technique, the famous "Ninja//robot ninja" Technique, Break One, Harap sa Gitna(iboys style), Phoenix Suns. Drop sabay PTeknik.

Removed Steps: BATO si Kyle Teknik, Bols a.k.a. Third Teknik, Robot Teknik, Kangaru Jack Teknik at Spirit ballz teknik. :))

3:00 time to present :)) sa Binubungang-Basketbulan(Covered Courts) gagawin yung paligsahan. pangatlo kami sa pagkakasunod-sunod. ang 4-F ang unang nagtanghal. isa pang salita --- SABOG. sabi namin sa sarili namin, "pwede pa tayo mag first". sumunod ang J, medyo kinarir nila yung sa kanila. sunod kami.

kami yung pinakawasak. sa phoenix suns pa lang, sumabog na eh. pati nga kay Mico nung nagbibigay siya ng kung anu-anong utos. hirap isulatype dito yung mga nangyari. basta maraming nagtatawanan, hula ko yung ibang mga klase, pero karamihan sa tawa na mga narining ko ay galing sa klase namin. pagkatapos ng mahigit kumulang dalawang minuto ng kahihiyan, nag-si upo na kami. sobrang gulo namin pagkatapos, kasi sobrang boring ng mga sumunod na pangkat. masyadong sineryoso. lalo na yung M at B. pasikat masyado :)) dapat ginaya nalang nila yung A na nagpakasupot, for the first time? onga pala, andun sina Father RB at Ma'am Sacluti, pero hindi namin alam kung nakita nila yung ginawa ng mga iboys :)) pasensya nalang sa mga deferred, summer ang abot niyo. sobrang init siguro ng BB/CC nun. 

sa sobrang tagal ng ibang kalahok, natapos ang programa mga alas-singko y medya. mga ganung oras. nanalo nga pala ang K, B at C. K = Kinarir | B = Buhay nila nakasalalay | C = Congrats

buti nalang bukas yung caff, pero inaasahan namin na libre yung pagkain na ihahanda sa amin o may pagkaing ibibigay. asa naman, ginagamit yung tuition sa amin para magpatayo ng great wall of ateneo o did kaya'y Jericho's wall. taena :)) puno yung caff, kaya tinamad akong bumili ng kanin at ulam. habang binabaybay ko yung daan patungo sa 4i, nakita namin yung psychic na taga 2i. yung malakas raw manghula, at madalas tama. maraming nakapalibot sa kanya, mga uto-utong nagpapasalalay ng kanilang maaring maging buhay sa pagbabasa ng kamay ng isang tao. masyado ako skeptic sa kanya, pero gusto kong maniwala kung totoo sinabi niya. kulang nalang para mapaniwala niya ako ay, ilagan niya yung sapak na ipapahula ko sa kanya. maraming nasawi sa kanyang mga hula, lalo na sina ____, _____, _____ ,_____ LAHAT maliban kay Junie. bigtime raw siya sa kinabukasan niya :)) taena :))
 magpapahula sana ako pero sabi ni G. yucoco na pumunta na sa Covered Courts para sa susunod na pangyayari.  

ang RESCUE RELAY. kailangan ng 15 kalahok bawat klase. 10 rescuer, at 5 biktima. dadaan ang 2 rescuer bitbit ang isang stretcher, neck brace, at yung bagay na pambalot ng bahagi ng katawan, sa isang obstacle course. kailangan lakaran ang bench, mag zigzag sa mga upuan at lumusot sa ilalim ng isang hurdle. kailangan ilagay sa biktime ang mga kalokahan na kagamitan at ibuhay siya at ilagay sa may stretecher. paunahan ang labanan. maaring madagdagan ng oras kung may mabanggang silya or mahulog ang dala-dala.

kalaban namin ang 4M- close fight kung tutuusin, and problema sa amin, walang nakinig sa panuto, kaya nadagdagan kami ng cguro mga 10 segendo sa oras namin. kaalalay ko si Puzon :)) sobrang benta nung kami na. sobrang laki niya, at sobrang liit ko, tapos hirap siya lumusot dun sa hurdle. hahahaha. tapos lagi pa nya natamaan yung mga silya. si Fernandez yung biktima namin, pagkabuhat ko sastretcher, bumagsak ako dahil hindi pa nabubuhat ni Puzon. nang nakagalaw na kami, binilisan namin kasi nakita namin na kapantay namin ang Mboys. pero taena ang bigat ni Fernandez at ni Puzon :)) hindi ko rin mahatak yung stretcher ng maayos kasi hindi mabilis yung takbo ni Puzon. pero, all heart ako dun. last CAT day na eh :)) talo kami. yun lang. hahaha. nanood ako pagkatapos, maraming mga biktima ang nahulog, pati na rin yung mga tagapagligtas ay natutumba. yung iba naman naiiwan sa umpisa yung neckbrace, kaya kailangan nila bumalik sa may bangko. iba't ibang teknik pero sa tinik lang talaga nadadaan yung paligsahan na ito. hindi ata sinabi kung sino yung panalo. :))

break ulit. hapunan na. pero wala ako ulit makain. sinubukan namin dumalaw sa Azul, pero sarado na. mga 8 na ng gabi cguro yun. jogging kami saglit nina Aldo at Oba. nag over the walls at pumuntang HS caff. bumalik sa classroom para magwala. nagpapentel ako sa likod ng three-eyed smiley na makikita sa palabas na Evolution, hingin ko pa kay Aldo yung litrato. naghandstand exhibition kami ng mga iboys. hahaha. kaya ko pala maglakad gamit ang kamay :)) pagkatpos nun, aalis na dapat kami pero inisip nami na magtago sa loob ng silid. maraming nakisama nung una, pero may mga bakla na nag-aalala na baka hindi raw sila mag graduate. :)) mga hangal. yung mga natira yung tunay na iboys. umalis lang kami kaso may nakita kaming... MPSL. yun yung iboys talaga. :))


grabe ang haba na siguro ng blog na to :)) sakit na ng kamay ko.

at ang huli ay ang mismong Graduation Proper. martsa martsa lang naman tapos may saludo-saludo. may mga pinarangalan-- si Mico raw yung isang huwaran na kadete. ULOL! :)) si Torre rin nagtalumpati. sa inaasahan, sabog. OSE pa siya sa hulo. ULOL MO TORRE :)) sobrang saya nung huling LUMANSAG. parang pwede na ako malagutan ng hininga nung marining ko yun. parang tunay na Commencement Exercises. pucha, pero nakalimutan gawin ng klase ay gaguhin yung mga officer na pinahirapan kami. sayang, sa sobrang saya namin, nakalimutan namin ang tamis ng paghihiganti. pero dapat nga yung mga offficer namin yung maghiganti kasi sobrang ginago namin sila.
Sina: Stoifl, Quimmel, Nequinto, Bautista, Barcelon, Rivera, Martinez, Peter Punzalan(hindi naman ginago), Luareta, Ferrer, Rodriguez

Salamat sa inyo, at paumanhin na rin. dapat kayo parangalan na kayo'y nakaligtas sa kamay ng mga iboys :)) mahusay.

natapos ang araw ng sobrang saya. Graduate na rin sa wakas. maski papaano may maipapagmamalaki na ako. GRADUATE AKO NG CAT :)) pwede na yung kesa wala.

umuwi ako kasama sina Aldo, Dominic, Junie at Ian. salamat salamat sa inyo :))

No comments: