Jun 5, 2008

Ibang Klase

Paano nagsimula ang araw ko?
Sched Below. Skip.

4:25 AM - Alarm
4:25 - Dapa pa rin
4:35 - Ligo/Kain/Ayos Gamit/YM pa!
5:30 - Hintay Bus/TV/Radio/YT
6:30 - nasa Ateneo na
=-=-=-=-=-=-=
12:35 PM - uwian
12:35 - Skies
3:40 - MST for UPCAT
5:00 - Naglakad papuntang sakayan ng dyip
5:30 - UP para kumain
5:45 - uwi na
6:30 - dating sa bahay


Isa lang ang masasabi ko sa araw na ito - anotha ordinary day. Nothing significant happened in school. Maliban sa mga tawanan na nararanasan araw-araw.

Akala ko pa naman na mabangis o di kaya'y mabait na mod ang ibibigay. Haha! ASA!
Wala ako masabi sa mod namin ngayon. Manhid na ako. Kahit sino ibigay, basta wag lang baliw. "Tiyak walang babagsak sa Math", dinig ko sa loob ng silid-aralan. Pwede na yan, hindi mo naman pwede awayin yung Ateneo.

Mabilis na nagyaya si Obi at nagpakuha kami ng litrato para sa ID namin, dahil sobraaang lapit ng 4i sa APSA - ayos!

Sa totoo lang, hindi nagbago ang Caff. Mas marami na ang food stalls. Potato Corner, Jamaican? Royal Jamaican ata, Azul... something, Papa Tots?, at ang pagbabalik ng Nutrilicious! Kumain ako ng Katsudon sa Sumo Boyz. At aba! Php60 pesos ang isang order. Naisip ko, "di na talaga ako babalik dito", pero dagdag allowance na yan :D At wala na ako naririnig na "Chow-chow-mon" at "Yum-yum-yum".

No comments: